Add parallel Print Page Options

Isinuot ng aking sinta ang kaniyang kamay sa butas ng pintuan,
At nakilos ang aking puso sa kaniya.
Ako'y bumangon upang pagbuksan ang aking sinta;
At ang aking mga kamay ay tutulo ng mira,
At ang aking mga daliri ng malabnaw na mira.
Sa mga tatangnan ng trangka.
Aking pinagbuksan ang aking sinta:
Nguni't ang aking sinta ay umurong at nakaalis,
Napanglupaypay na ako ng aking kaluluwa (A)nang siya'y magsalita:
(B)Aking hinanap siya, nguni't hindi ko nasumpungan siya;
Aking tinawag siya, nguni't hindi siya sumagot sa akin.

Read full chapter