Add parallel Print Page Options

10 (A)Sino siyang tumitinging parang umaga,
Maganda na parang buwan,
Maliwanag na parang araw,
(B)Kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat?
11 Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile,
(C)Upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis,
Upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas,
At ang mga puno ng granada ay namumulaklak.
12 Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa
Sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan.

Read full chapter