Add parallel Print Page Options

11 Pumunta ako sa taniman ng almendro para tingnan ang mga bagong tanim na sumibol sa may lambak, at para tingnan na rin kung umuusbong na ang mga ubas at kung ang mga pomegranata ay namumulaklak na. 12 Hindi ko namalayan, ako palaʼy nandoon na sa maharlikang higaan kasama ang aking mahal.

Mga Babae ng Jerusalem

13 Bumalik ka, dalagang taga-Shulam, bumalik ka para makita ka namin.[a]

Lalaki

Bakit gusto ninyong makita ang dalaga ng Shulam na sumasayaw sa gitna ng mga manonood?

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:13 o, Umikot ka, dalaga ng Shulam, umikot ka. Ipakita mo sa amin ang iyong pagsayaw.