Add parallel Print Page Options

Sino itong (A)umaahong mula sa ilang,
Na humihilig sa kaniyang sinisinta?
Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita:
Doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina,
Doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo.
Ilagay mo akong (B)pinakatatak sa iyong puso,
Pinakatatak sa iyong bisig:
Sapagka't ang pagsinta ay (C)malakas na parang kamatayan,
Panibugho ay (D)mabagsik na parang Sheol:
Ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy,
Isang pinaka liyab ng Panginoon.
Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta,
Ni mapauurong man ng mga baha;
Kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta,
Siya'y lubos na kukutyain.

Read full chapter