Add parallel Print Page Options

Parang usang magkaparis ang malusog na dibdib mo,
    masayang kumakain sa gitna ng mga liryo.
Hanggang sa dumating ang bukang-liwayway,
    hanggang sa mapawi ang pusikit na karimlan,
sa dibdib mong ubod bango ako ay hihimlay,
    pagkat ito ay simbango ng mira
    at ng kamanyang.
Kay ganda mo, aking sinta; kay ganda mo, aking mahal.
    Wala akong maipintas sa taglay mong kagandahan.

Read full chapter