Add parallel Print Page Options

13 Ilayo po ninyo sa amin ang inyong poot sapagkat iilan na lang kaming natitira dito sa mga bansang pinagtapunan ninyo sa amin. 14 Panginoon, dinggin ninyo ang aming dalangin alang-alang na rin sa inyong kapurihan. Loobin ninyong kami'y kalugdan ng mga bumihag sa amin. 15 Sa gayon, malalaman ng buong mundo na kayo ang Panginoon naming Diyos, at ang Israel ay itinalaga ninyo upang maging sariling bayan ninyo.

Read full chapter