Add parallel Print Page Options

16 “Tunghayan ninyo kami mula sa inyong trono at dinggin ang aming dalangin. 17 Lingapin ninyo kami. Ang mga patay na nasa Hades ay hindi na makakapagpuri sa inyo o makakapagpahayag ng inyong katarungan. 18 Kami po lamang na mga buháy ang siyang makakaawit ng papuri sa inyo at makakapagbunyi ng inyong katarungan, bagama't kami ay baon sa hirap, lupaypay, mahina, at pinanlalabuan ng paningin dahil sa gutom.

Read full chapter