Add parallel Print Page Options

11 Sino ba si Aaron para reklamuhan ninyo? Sa ginagawa ninyong iyan, ang Panginoon ang inyong kinakalaban.”

12 Pagkatapos, ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab. Pero sinabi nila, “Hindi kami pupunta! 13 Hindi pa ba sapat na kinuha mo kami sa Egipto na maganda at masaganang lupain[a] para patayin lang kami rito sa ilang? At ngayon, gusto mo pang maghari sa amin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:13 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. Ganito rin sa talatang 14.