Add parallel Print Page Options

Ang Tubig na Lumabas sa Bato(A)

20 Noong unang buwan, dumating ang buong mamamayan ng Israel sa ilang ng Zin, at nagkampo sila sa Kadesh. Doon namatay si Miriam at inilibing.

Walang tubig doon, kaya nagtipon na naman ang mga tao laban kina Moises at Aaron. Nakipagtalo sila kay Moises at sinabi, “Mabuti pang namatay na lang kami kasama ng mga kababayan naming namatay noon sa presensya ng Panginoon.

Read full chapter