Add parallel Print Page Options

14 Iyan ang dahilan kung bakit nakasulat sa Aklat ng Pakikipaglaban ng Panginoon ang bayan ng Waheb na sakop ng Sufa, ang mga lambak ng Arnon, 15 pati ang gilid ng mga lambak na umaabot sa bayan ng Ar na nasa hangganan ng Moab.

16 Mula roon sa Arnon, nagpatuloy ang mga Israelita sa Beer, ang balon na kung saan sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin ninyo ang mga tao at bibigyan ko sila ng tubig.”

Read full chapter