Add parallel Print Page Options

Ang Ikaapat na Mensahe ni Balaam

15 Pagkatapos, sinabi ni Balaam ang mensaheng ito: “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa.[a] 16 Narinig ko ang salita ng Kataas-taasang Dios, at nakakita ako ng pangitain mula sa Makapangyarihang Dios. Nagpatirapa ako sa kanya at nagpahayag siya sa akin.[b] Ito ang aking mensahe:

17 “May nakita ako sa aking pangitain na hindi pa nangyayari. Sa hinaharap, mamamahala ang isang hari[c] sa Israel mula sa lahi ni Jacob. Ibabagsak niya ang mga Moabita at ang lahat ng lahi ni Set.

Read full chapter

Footnotes

  1. 24:15 pang-unawa: Tingnan ang “footnote” sa 24:3.
  2. 24:16 nagpahayag siya sa akin: Tingnan ang “footnote” sa 24:4.
  3. 24:17 mamamahala ang isang hari: sa literal, may lilitaw na bituin, may lalabas na setro ng hari.