Add parallel Print Page Options

16 Narinig ko ang salita ng Kataas-taasang Dios, at nakakita ako ng pangitain mula sa Makapangyarihang Dios. Nagpatirapa ako sa kanya at nagpahayag siya sa akin.[a] Ito ang aking mensahe:

17 “May nakita ako sa aking pangitain na hindi pa nangyayari. Sa hinaharap, mamamahala ang isang hari[b] sa Israel mula sa lahi ni Jacob. Ibabagsak niya ang mga Moabita at ang lahat ng lahi ni Set. 18 Sasakupin niya ang Edom na kanyang kaaway, na tinatawag din na Seir, habang tumatatag ang Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 24:16 nagpahayag siya sa akin: Tingnan ang “footnote” sa 24:4.
  2. 24:17 mamamahala ang isang hari: sa literal, may lilitaw na bituin, may lalabas na setro ng hari.