Add parallel Print Page Options

Ang mga Handog sa Pista ng Pagpapatunog ng mga Trumpeta(A)

29 “Sa unang araw ng ikapitong buwan, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Sa araw na iyon ay patunugin ninyo ang mga trumpeta. Pagkatapos, mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

Read full chapter