Add parallel Print Page Options

Ganito ang gagawin mong paglilinis sa kanila: wisikan mo sila ng tubig na ginagamit sa paglilinis, ahitan ang buo nilang katawan, at palabhan ang kanilang mga damit. Pagkatapos nito ay ituturing na silang malinis. Pagkatapos, pagdalhin mo sila ng batang toro at ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagpaparangal sa Panginoon. Pagdalhin mo rin sila ng isa pang batang toro bilang handog sa paglilinis.

“Pagkatapos, tipunin mo ang buong mamamayan ng Israel at italaga ang mga Levita sa harap ng Toldang Tipanan.

Read full chapter