Add parallel Print Page Options

Ito ay katulad ng natutunan ninyo kay Epafras, ang minamahal naming kapwa-alipin, na tapat na tagapaglingkod ni Cristo para sa inyo. Siya rin ang nagsabi sa amin sa pamamagitan ng Espiritu patungkol sa inyong pag-ibig.

Dahil din naman dito, mula nang araw na marinig namin ito, wala na kaming tigil sa pananalangin para sa inyo. Hini­hiling namin na kayo ay mapuspos ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at espiritwal na pagkaunawa.

Read full chapter