Font Size
Colosas 2:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Colosas 2:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Nais kong malaman ninyong gayon na lamang ang pagsisikap ko para sa inyo, gayundin para sa mga taga-Laodicea at sa lahat ng hindi pa nakakakita sa akin nang personal. 2 Ginagawa ko ito upang palakasin ang kanilang loob at upang mabuklod sila sa pag-ibig. Sa gayon, mararanasan nila ang ganap na pagpapala ng tunay na pagkaunawa at kaalaman tungkol sa hiwaga ng Diyos, na walang iba kundi si Cristo.[a]
Read full chapterFootnotes
- 2 hiwaga…kundi si Cristo: Sa ibang manuskrito'y hiwaga ng Diyos na Ama ni Cristo, at sa iba pang mga manuskrito'y hiwaga ng Diyos, at ng Ama, at ni Cristo .