Add parallel Print Page Options

16 Kaya nga, huwag ninyong hayaan na hatulan kayo ng sinuman patungkol sa pagkain, o sa inumin, o patungkol sa pagdiriwang ng kapistahan, o sa bagong buwan o sa mga araw ng Sabat. 17 Ang mga ito ay isang anino lamang ng mga bagay na darating ngunit ang katunayan ay si Cristo. 18 May taong nasisiyahan sa paggawa ng huwad na pagpapakumbaba at pagsamba sa mga anghel. Huwag ninyong hayaan ang gayong tao na dayain kayo at hindi ninyo makuha ang inyong gantimpala. Siya ay nagkukunwaring nakakita ng mga bagay na hindi naman niya nakita. Ang kaniyang isipang makalaman ay nagpalaki ng kaniyang ulo nang walang katuturan.

Read full chapter