Font Size
Colosas 2:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Colosas 2:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Ginagawa ko ito upang palakasin ang kanilang loob at upang mabuklod sila sa pag-ibig. Sa gayon, mararanasan nila ang ganap na pagpapala ng tunay na pagkaunawa at kaalaman tungkol sa hiwaga ng Diyos, na walang iba kundi si Cristo.[a] 3 Sa pamamagitan niya nahahayag ang lahat ng nakatagong kayamanan ng karunungan at kaalaman ng Diyos.
4 Sinasabi ko ito upang hindi kayo mailigaw ninuman sa pamamagitan ng mga mapang-akit na pananalita.
Read full chapterFootnotes
- 2 hiwaga…kundi si Cristo: Sa ibang manuskrito'y hiwaga ng Diyos na Ama ni Cristo, at sa iba pang mga manuskrito'y hiwaga ng Diyos, at ng Ama, at ni Cristo .