Add parallel Print Page Options

15 At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari.

16 Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay.

Sila ay naging panguna sa karunungan at pangangatawan.

17 Tungkol nga sa apat na binatang ito, (A)pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan: at si Daniel ay may (B)pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga (C)panaginip.

Read full chapter