Font Size
Daniel 10:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Daniel 10:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Sinabi pa niya sa akin, “Huwag kang matakot, Daniel, sapagkat mula pa nang nagpakumbaba ka sa harapan ng Diyos upang magkaroon ka ng pang-unawa, dininig na ang iyong dalangin. Kaya naparito ako. 13 Ngunit(A) pinigilan ako ng pinuno ng kaharian ng Persia sa loob ng dalawampu't isang araw, hanggang sa dumating si Miguel, isa sa mga pangunahing pinuno na sumaklolo sa akin sapagkat naiwan ako noong nag-iisa kasama ng mga hari ng Persia.[a] 14 Nagtuloy na ako rito upang ipaliwanag kung ano ang mangyayari sa iyong mga kababayan pagdating ng araw. Ang nakita mong pangitain ay tungkol sa hinaharap.”
Read full chapterFootnotes
- 13 mga hari ng Persia: Sa ibang manuskrito'y mga prinsipe (o pinuno) ng kaharian ng Persia .