Font Size
Daniel 10:19-21
Ang Biblia (1978)
Daniel 10:19-21
Ang Biblia (1978)
19 At kaniyang sinabi, (A)Oh taong minamahal na mainam, huwag kang matakot: kapayapaan ang sumaiyo, (B)magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka. At nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas, at nagsabi, Magsalita ang aking panginoon; sapagka't iyong pinalakas ako.
20 Nang magkagayo'y sinabi niya, Talastas mo baga kung bakit ako'y naparito sa iyo? at ngayo'y babalik ako upang makipaglaban sa (C)prinsipe sa Persia: at pagka ako'y lumabas, narito, ang prinsipe sa (D)Grecia ay darating.
21 Nguni't aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng (E)katotohanan: at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito, kundi si (F)Miguel na inyong prinsipe.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978