Add parallel Print Page Options

Kapag siyaʼy naging makapangyarihan na, mawawasak ang kanyang kaharian at mahahati sa apat na bahagi ng daigdig, pero hindi ang kanyang mga angkan ang maghahari dito. Ang mga haring papalit sa kanya ay hindi makakapamahala tulad ng kanyang pamamahala. Kukunin ang kanyang kaharian at ibibigay sa iba.

“Ang hari ng timog[a] ay magiging makapangyarihan. Pero isa sa kanyang mga heneral ay magiging mas makapangyarihan kaysa sa kanya. At sa bandang huli, ang heneral na ito ay maghahari rin at magiging makapangyarihan ang kaharian niya. Pagkalipas ng ilang taon, magsasanib ang dalawang kahariang ito, dahil ipapaasawa ng hari ng timog ang anak niyang babae sa hari ng hilaga.[b] Pero hindi magtatagal ang kapangyarihan ng babae pati ang kapangyarihan ng hari ng hilaga. Sapagkat sa panahong iyon, papatayin ang babae at ang kanyang asawaʼt anak,[c] pati ang mga naglilingkod sa kanya.[d]

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:5 hari ng timog: Maaaring ang tinutukoy dito hanggang sa talata 40 ay ang hari ng Egipto.
  2. 11:6 hari ng hilaga: Maaaring ang tinutukoy dito hanggang sa talata 40 ay ang hari ng Syria.
  3. 11:6 anak: Ito ang nasa ibang lumang teksto. Sa Hebreo, ama.
  4. 11:6 naglilingkod sa kanya: o, sumusuporta sa kanya.