Add parallel Print Page Options

Pagkalipas ng ilang taon, magsasanib ang dalawang kahariang ito, dahil ipapaasawa ng hari ng timog ang anak niyang babae sa hari ng hilaga.[a] Pero hindi magtatagal ang kapangyarihan ng babae pati ang kapangyarihan ng hari ng hilaga. Sapagkat sa panahong iyon, papatayin ang babae at ang kanyang asawaʼt anak,[b] pati ang mga naglilingkod sa kanya.[c]

“Sa bandang huli, maghahari sa timog ang kapatid ng babae. Siya ang papalit sa kanyang ama. Lulusubin niya ang mga sundalo ng hari ng hilaga at papasukin ang napapaderang lungsod[d] nito, at magtatagumpay siya sa labanan. Dadalhin niya pauwi sa Egipto ang mga dios-diosan nila at mga mamahaling ari-arian na yari sa ginto at pilak. Sa loob ng ilang taon, hindi na siya makikipagdigma sa hari ng hilaga.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:6 hari ng hilaga: Maaaring ang tinutukoy dito hanggang sa talata 40 ay ang hari ng Syria.
  2. 11:6 anak: Ito ang nasa ibang lumang teksto. Sa Hebreo, ama.
  3. 11:6 naglilingkod sa kanya: o, sumusuporta sa kanya.
  4. 11:7 napapaderang lungsod: o, matibay na tanggulan. Ganito rin sa talatang 10,19, at 38.