Add parallel Print Page Options

“Sa bandang huli, maghahari sa timog ang kapatid ng babae. Siya ang papalit sa kanyang ama. Lulusubin niya ang mga sundalo ng hari ng hilaga at papasukin ang napapaderang lungsod[a] nito, at magtatagumpay siya sa labanan. Dadalhin niya pauwi sa Egipto ang mga dios-diosan nila at mga mamahaling ari-arian na yari sa ginto at pilak. Sa loob ng ilang taon, hindi na siya makikipagdigma sa hari ng hilaga. Pero sa bandang huli, lulusubin siya ng hari sa hilaga, pero matatalo ito at babalik sa kanyang bayan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:7 napapaderang lungsod: o, matibay na tanggulan. Ganito rin sa talatang 10,19, at 38.