Font Size
Daniel 2:4-6
Ang Biblia, 2001
Daniel 2:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Nang magkagayo'y sinabi ng mga Caldeo sa hari sa wikang Aramaico,[a] “O hari, mabuhay ka magpakailanman. Sabihin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipapaliwanag ang kahulugan.”
5 Sinagot ng hari ang mga Caldeo, “Tiyak ang salita mula sa akin: kapag hindi ninyo naipaalam sa akin ang panaginip at ang kahulugan nito, kayo'y pagpuputul-putulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing bunton ng dumi.
6 Ngunit kung inyong ipapaalam ang panaginip at ang kahulugan nito, kayo'y tatanggap sa akin ng mga kaloob, mga gantimpala at dakilang karangalan. Kaya't ipaalam ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan nito.”
Read full chapterFootnotes
- Daniel 2:4 Ang orihinal ng bahaging ito hanggang sa katapusan ng kabanata 7 ay nakasulat sa wikang Aramaico.