Add parallel Print Page Options

At nagsugo si Haring Nebukadnezar upang tipunin ang mga tagapangasiwa ng lalawigan,[a] mga kinatawan, mga gobernador, mga ingat-yaman, mga tagapayo, mga hukom, at ang lahat ng mga pinuno ng mga lalawigan upang pumunta sa pagtatalaga ng rebultong itinayo ng haring si Nebukadnezar.

At nagtipon ang mga tagapangasiwa ng lalawigan, mga kinatawan, mga gobernador, mga hukom, ang mga ingat-yaman, mga tagapayo, mga pinuno at lahat ng pinuno ng mga lalawigan sa pagtatalaga ng rebultong itinayo ng haring si Nebukadnezar. Sila'y tumayo sa harapan ng rebultong itinayo ni Nebukadnezar.

At malakas na ipinahayag ng tagapagbalita, “Sa inyo'y ipinag-uutos, O mga bayan, mga bansa, at mga wika,

Read full chapter

Footnotes

  1. Daniel 3:2 o satrap .