Daniel 3:24-26
Ang Biblia (1978)
24 Nang magkagayo'y si Nabucodonosor na hari ay nagtaka, at tumindig (A)na madali: siya'y nagsalita at nagsabi sa (B)kaniyang mga kasangguni, Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalake sa gitna ng apoy? Sila'y nagsisagot, at nangagsabi sa hari, Totoo, Oh hari.
25 Siya'y sumagot, at nagsabi, Narito, aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila'y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang (C)anak ng mga dios.
26 Nang magkagayo'y lumapit si Nabucodonosor sa bunganga ng mabangis na hurnong nagniningas: siya'y nagsalita, at nagsabi, Sadrach, Mesach, at Abed-nego, kayong mga lingkod ng Kataastaasang Dios, kayo'y magsilabas at magsiparito. Nang magkagayo'y si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsilabas mula sa gitna ng apoy.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978