Add parallel Print Page Options

20 Ang napanaginipan ninyong punongkahoy na lumaki at tumaas hanggang langit na kitang-kita sa buong mundo, 21 na may mayayabong na dahon at maraming bunga na maaaring kainin ng lahat, sinisilungan ng mga hayop at pinamumugaran ng mga ibon ang mga sanga, 22 ay walang iba kundi kayo, Mahal na Hari. Sapagkat kayo po ay naging makapangyarihan; ang kapangyarihan nʼyo ay abot hanggang langit,[a] at ang inyong nasasakupan ay umabot sa ibaʼt ibang dako ng mundo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:22 kapangyarihan … langit: Maaaring ang ibig sabihin, gusto ni Nebucadnezar na humigit pa sa kapangyarihan ng Dios.