Add parallel Print Page Options

35 At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga mananahan sa lupa; (A)at walang makahahadlang sa kaniyang kamay, o makapagsasabi sa kaniya, (B)Anong ginagawa mo?

36 Sa oras ding yaon ay nanumbalik sa akin ang aking unawa; at sa ikaluluwalhati ng aking kaharian, ay nanumbalik sa akin ang aking kamahalan at kakinangan; at hinanap ako ng aking mga kasangguni at mga mahal na tao; at ako'y natatag sa aking kaharian, at marilag na kadakilaan ay nadagdag sa akin.

37 Ngayo'y akong si Nabucodonosor ay (C)pumupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit; (D)sapagka't ang lahat niyang gawa ay katotohanan, at ang kaniyang mga daan ay kahatulan; at (E)yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa.

Read full chapter