Add parallel Print Page Options

(A)Kaya't nagpasiya ako na iharap sa akin ang lahat (B)na pantas sa Babilonia, upang kanilang maipaaninaw sa akin ang kahulugan ng panaginip.

Nang magkagayo'y nagsidating ang mga mahiko, ang mga enkantador, ang mga Caldeo, at ang mga manghuhula; at isinaysay ko ang panaginip sa harap nila; nguni't hindi nila maipaaninaw sa akin ang kahulugan niyaon.

Nguni't sa kahulihuliha'y dumating sa harap ko si Daniel, (C)na ang pangala'y Beltsasar, ayon sa pangalan ng aking dios, (D)at siyang kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios: at aking isinaysay ang panaginip sa harap niya, na aking sinasabi,

Read full chapter