Add parallel Print Page Options

17 Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Daniel sa harap ng hari, Iyo na (A)ang iyong mga kaloob, at ibigay mo ang iyong mga ganting pala sa iba; gayon ma'y aking babasahin sa hari ang sulat, at ipaaninaw ko sa kaniya ang kahulugan.

18 Oh ikaw na hari, ang Kataastaasang Dios, (B)nagbigay kay Nabucodonosor na iyong ama ng kaharian, at kadakilaan, at kaluwalhatian, at kamahalan:

19 At dahil sa kadakilaan na ibinigay niya sa kaniya, (C)nanginig at natakot sa harap niya lahat ng mga bayan, bansa, at wika: ang kaniyang ibiging patayin ay kaniyang pinapatay, at ang kaniyang ibiging buhayin ay kaniyang binubuhay; at ang ibiging itaas ay kaniyang itinataas, at ang ibiging ibaba ay kaniyang ibinababa.

Read full chapter