Font Size
Daniel 5:23-25
Ang Biblia (1978)
Daniel 5:23-25
Ang Biblia (1978)
23 Kundi ikaw ay nagpakataas laban (A)sa Panginoon ng langit; at (B)kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at (C)iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati.
24 Nang magkagayo'y ang bahagi (D)nga ng kamay ay sinugo mula sa harap niya, at ang sulat na ito'y nalagda.
Ipinaliwanag ni Daniel ang kahulugan ng sulat.
25 At ito ang sulat na nalagda, MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978