Daniel 5:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Nang oras ding yaon ay may lumabas na mga daliri ng kamay ng isang tao at sumulat sa tapat ng kandelero sa panig na may palitada ng palacio: at nakita ng hari ang bahagi ng kamay na sumulat.
6 Nang magkagayo'y nagbago ang pagmumukha ng hari, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip; at (A)ang pagkakasugpong ng kaniyang mga (B)balakang ay nakalag, at ang (C)kaniyang mga tuhod ay nagkaumpugan.
7 Ang hari ay sumigaw ng malakas, (D)na papasukin ang mga enkantador, mga Caldeo, at mga manghuhula. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi sa (E)mga pantas sa Babilonia, (F)Sinomang makababasa ng sulat na ito, at makapagpapaaninaw sa akin ng kahulugan niyan, magdadamit ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg, at magiging ikatlong puno (G)sa kaharian.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978