Daniel 6:15-17
Ang Biblia (1978)
15 Nang magkagayo'y nagpisan ang mga lalaking ito sa hari at nagsabi sa hari, Talastasin mo, Oh hari, na isang kautusan ng mga taga Media, at ng mga taga Persia, na walang pasiya o palatuntunan man na pinagtitibay ng hari na mababago.
Si Daniel ay itinapon sa yungib ng mga leon, nguni't lumabas na hindi nasaktan.
16 Nang magkagayo'y nagutos ang hari, at kanilang dinala si Daniel, at inihagis siya sa yungib ng mga leon. Ang hari nga ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ang iyong Dios na pinaglilingkuran mong palagi, ay siyang magliligtas sa iyo.
17 At isang bato ay dinala, at (A)inilagay sa bunganga ng yungib; at (B)tinatakan ng hari ng kaniyang singsing na panatak, at ng singsing na panatak ng kaniyang mga mahal na tao; upang walang anomang bagay ay mababago tungkol kay Daniel.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978