Font Size
Daniel 7:16-18
Ang Biblia, 2001
Daniel 7:16-18
Ang Biblia, 2001
16 Ako'y lumapit sa isa sa kanila na nakatayo roon at itinanong ko sa kanya ang katotohanan tungkol sa lahat ng ito. Kaya't sinabi niya at ipinaalam sa akin ang kahulugan ng mga bagay.
17 Ang apat na malaking halimaw na ito ay apat na hari na lilitaw mula sa lupa.
18 Ngunit(A) tatanggapin ng mga banal ng Kataas-taasan ang kaharian, at aangkinin ang kaharian magpakailan kailanpaman.
Read full chapter