Add parallel Print Page Options

19 Nang magkagayo'y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop, na kaiba sa lahat ng yaon, na totoong kakilakilabot, na ang mga ngipin ay bakal, at ang mga kuko ay tanso; na nananakmal, lumalamuray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi;

20 At tungkol sa sangpung sungay na nangasa kaniyang ulo, at (A)sa isa na sumibol, at sa harap niyao'y nabuwal ang tatlo, sa makatuwid baga'y yaong sungay na may mga mata, at bibig na nagsalita ng dakilang mga bagay, na ang anyo ay lalong dakila kay sa kaniyang mga kasama.

21 Ako'y tumingin, at ang sungay ding (B)yaon ay nakipagdigma sa mga banal, at nanaig laban sa kanila;

Read full chapter