Daniel 7:5-7
Ang Biblia (1978)
5 At, narito, ang ibang (A)hayop, na ikalawa, na gaya ng isang oso; at lumitaw sa isang tagiliran, at tatlong tadyang ang nasa kaniyang bibig sa pagitan ng kaniyang mga ngipin: at sinabi ng mga ito ang ganito sa kaniya, Bumangon ka, manakmal ka ng maraming laman.
6 Pagkatapos nito'y tumingin ako, at narito ang iba, gaya ng isang leopardo, na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon; ang hayop ay mayroon din namang (B)apat na ulo; at binigyan siya ng kapangyarihan.
7 Pagkatapos nito'y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, (C)ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may (D)malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; (E)at siya'y may sangpung sungay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978