Add parallel Print Page Options

Nanalangin si Daniel para sa mga Israelita

1-2 Si Darius na taga-Media na anak ni Ahasuerus[a] ang hari noon sa buong Babilonia. Noong unang taon ng paghahari niya, nalaman ko sa mga Kasulatan na mananatiling giba ang Jerusalem sa loob ng 70 taon, ayon sa sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias. Dahil dito, lumapit ako sa Panginoong Dios at nanalangin. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo.[b] Nanalangin ako sa Panginoon na aking Dios at humingi ng tawad para sa aming mga kasalanan:

“Panginoon, kayo ay makapangyarihan at kahanga-hangang Dios. Tapat po kayo sa pagtupad ng inyong pangako na mamahalin nʼyo ang mga nagmamahal sa inyo at sumusunod sa inyong mga utos.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:1-2 Ahasuerus: Ibang pangalan ni Xerxes.
  2. 9:3 nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo: Itoʼy ginagawa ng mga Judio upang ipakita na nalulungkot sila at nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.