Add parallel Print Page Options

26 Pagkalipas ng animnapu't dalawang linggo,[a] papatayin ang hinirang ng Diyos. Ang lunsod at ang templo ay wawasakin ng hukbo ng isang makapangyarihang hari. Ang wakas ay darating na parang baha at magkakaroon ng digmaan at pagkawasak na itinakda ng Diyos. 27 Ang(A) haring ito'y gagawa ng isang matibay na kasunduan sa maraming tao sa loob ng isang linggo.[b] Pagkaraan ng kalahating linggo,[c] papatigilin niya ang paghahandog. Ilalagay niya sa itaas ng Templo ang kasuklam-suklam na kalapastanganan. Mananatili ito roon hanggang sa wakasan ng Diyos ang naglagay nito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Daniel 9:26 animnapu't dalawang linggo: o kaya'y animnapu't dalawang panahon; ang bawat panahon ay tumatagal ng pitong taon.
  2. Daniel 9:27 isang linggo: o kaya'y isang panahon na tumatagal ng pitong taon .
  3. Daniel 9:27 linggo: o kaya'y panahon na tumatagal ng pitong taon .