Add parallel Print Page Options

Sa Panginoon naming Dios (A)ukol ang kaawaan at kapatawaran; sapagka't kami ay nanganghimagsik laban sa kaniya;

10 Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios, upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan, na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta.

11 (B)Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat (C)sa kautusan ni Moises na (D)lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya.

Read full chapter