Font Size
Deuteronomio 10:17-19
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Deuteronomio 10:17-19
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
17 Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ay Dios ng mga dios at Panginoon ng mga panginoon. Makapangyarihan siya at kamangha-manghang Dios. Wala siyang pinapanigan at hindi siya tumatanggap ng suhol. 18 Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan[a] at binibigyan sila ng pagkain at mga damit. 19 Kaya mahalin din ninyo ang mga dayuhan, dahil mga dayuhan din kayo noon sa Egipto.
Read full chapterFootnotes
- 10:18 dayuhan: Ang ibig sabihin, mga dayuhan na naninirahan sa Israel.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®