Deuteronomio 5:22-27
Ang Biblia, 2001
22 “Ang(A) mga salitang ito ay sinabi ng Panginoon sa lahat ng inyong pagtitipon sa bundok mula sa gitna ng apoy, sa ulap, at sa makapal na kadiliman, na may malakas na tinig; at hindi na niya dinagdagan pa. At kanyang isinulat sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay ang mga ito sa akin.
Natakot ang Bayan(B)
23 Nang inyong marinig ang tinig mula sa gitna ng kadiliman, samantalang ang bundok ay nagliliyab sa apoy ay lumapit kayo sa akin, ang lahat ng mga pinuno sa inyong mga lipi, at ang inyong matatanda;
24 at inyong sinabi, ‘Ipinakita sa amin ng Panginoon nating Diyos ang kanyang kaluwalhatian at kadakilaan. Aming narinig ang kanyang tinig mula sa gitna ng apoy; aming nakita sa araw na ito na ang Diyos ay nakikipag-usap sa tao, at ang tao ay nabubuhay pa.
25 Ngayon, bakit kailangang mamamatay kami? Sapagkat tutupukin kami ng napakalaking apoy na ito; kapag aming narinig pa ang tinig ng Panginoon nating Diyos, kami ay mamamatay.
26 Sapagkat sino sa lahat ng laman na nakarinig ng tinig ng buháy na Diyos na nagsasalita mula sa gitna ng apoy, na gaya namin, at nabuhay pa?
27 Lumapit ka at iyong pakinggan ang lahat ng sasabihin ng Panginoon nating Diyos, at iyong sabihin sa amin ang lahat na sasabihin sa iyo ng Panginoon nating Diyos, at aming papakinggan, at gagawin ito.’
Read full chapter