Add parallel Print Page Options

34 At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, at nag-init, at sumumpa, na nagsasabi,

35 (A)Tunay na hindi makikita ng isa man nitong mga taong masamang lahi ang mabuting lupain na aking isinumpang ibigay sa inyong mga magulang,

36 (B)Liban si Caleb na anak ni Jephone; at siya ang makakakita; at sa kaniya ko ibibigay ang lupain na kaniyang tinuntungan, at sa kaniyang mga anak: (C)sapagka't siya'y lubos na sumunod sa Panginoon.

37 (D)Ang Panginoon ay nagalit din sa akin, dahil sa inyo, na nagsasabi, Ikaw man ay hindi papasok doon:

38 (E)Si Josue na anak ni Nun, (F)na nakatayo sa harap mo, ay siyang papasok doon: (G)palakasin mo ang kaniyang loob; sapagka't kaniyang ipamamana sa Israel.

Read full chapter