Add parallel Print Page Options

“Pakinggan(A) mo, O Israel: ang Panginoon nating Diyos ay iisang Panginoon;[a]

at(B) iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.

Ang(C) mga salitang ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay ilalagay mo sa iyong puso;

at iyong ituturo nang buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasabihin sa kanila kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, kapag ikaw ay lumalakad sa daan, at kapag ikaw ay nahihiga, at kapag ikaw ay bumabangon.

At iyong itatali ang mga ito bilang tanda sa iyong kamay at bilang panali sa iyong noo.

At iyong isusulat ang mga ito sa pintuan ng iyong bahay at sa mga pasukan ng inyong mga bayan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 6:4 o Ang Panginoon nating Diyos, ang Panginoon ay iisa; o Ang Panginoon ay ating Diyos, ang Panginoon ay iisa .

15 kundi(A) sa inyong mga puso ay pakabanalin ninyo si Cristo bilang Panginoon. Lagi kayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa inyo ng katuwiran ang tungkol sa pag-asang nasa inyo,

Read full chapter