Add parallel Print Page Options

(Mga 11 araw na paglalakbay mula sa Bundok ng Sinai[a] papunta sa Kadesh Barnea kung dadaan sa Bundok ng Seir.) Nang unang araw ng ika-11 buwan, sa ika-40 taon, mula nang umalis ang mga Israelita sa Egipto, sinabi sa kanila ni Moises ang lahat ng iniutos ng Panginoon na sabihin sa kanila. Nangyari ito matapos matalo ni Moises[b] si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Heshbon, at si Haring Og ng Bashan na nakatira sa Ashtarot at Edrei.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:2 Bundok ng Sinai: sa Hebreo, Horeb. Ganito rin sa talatang 19.
  2. 1:4 ni Moises: o, ng Panginoon.