Font Size
Deuteronomio 1:5-7
Magandang Balita Biblia
Deuteronomio 1:5-7
Magandang Balita Biblia
5 Ipinaliwanag ni Moises ang kautusang ito nang sila'y nasa lupain ng Moab sa silangan ng Jordan.
Ang sabi niya, 6 “Nang tayo'y nasa Sinai,[a] ganito ang sinabi sa atin ni Yahweh na ating Diyos, ‘Matagal-tagal na rin kayong nakatigil sa bundok na ito. 7 Magpatuloy na kayo ng paglalakbay papunta sa kaburulang tinitirhan ng mga Amoreo at sa mga karatig na lugar sa Araba, sa kaburulan, kapatagan, sa katimugang disyerto at sa baybay-dagat, samakatuwid ang buong lupain ng Canaan at Lebanon hanggang sa Ilog Eufrates.
Read full chapterFootnotes
- Deuteronomio 1:6 Sinai: o kaya'y Horeb .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.