Add parallel Print Page Options

(At(A) ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Beerot Benyaakan hanggang sa Mosera. Doon namatay si Aaron, at doon siya inilibing. Si Eleazar na kanyang anak ay nangasiwa sa katungkulang pari na kapalit niya.

Mula roon ay naglakbay sila hanggang Gudgoda, at mula sa Gudgoda hanggang sa Jotbata, na lupain ng mga batis ng tubig.

Nang(B) panahong iyon ay ibinukod ng Panginoon ang lipi ni Levi upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon, tumayo sa harapan ng Panginoon, maglingkod sa kanya, at upang magbigay ng basbas sa kanyang pangalan hanggang sa araw na ito.

Read full chapter