Font Size
Deuteronomio 10:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 10:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
(6 Ang(A) mga Israelita'y naglakbay mula sa Jaacan hanggang Mosera. Doon namatay at inilibing si Aaron. Ang anak niyang si Eleazar ang pumalit sa kanya bilang pari. 7 Mula roo'y nagtuloy sila sa Gudgoda, at sa Jotbata, isang lugar na may maraming batis. 8 Noon(B) pinili ni Yahweh ang mga Levita upang magbuhat ng Kaban ng Tipan, tumulong sa paglilingkod sa kanya, at magbasbas sa kanyang pangalan tulad ng ginagawa nila ngayon.
Read full chapter