Add parallel Print Page Options

Mahalin at Sundin ang Panginoon

11 “Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios at tuparin ang kanyang mga utos, tuntunin, panuntunan at kautusan. Alalahanin ninyo ang naranasang pagtutuwid ng Panginoon na inyong Dios sa inyo. Kayo ang nakaranas nito at hindi ang mga anak ninyo. Hindi sila ang nakakita ng kadakilaan at kapangyarihan ng Panginoon, at ng mga himala na ginawa niya sa Egipto laban sa Faraon na hari nito at sa buong bansa nito.

Read full chapter