Add parallel Print Page Options

16 Mangagingat kayo, (A)baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila;

17 At ang galit ng Panginoon ay magalab laban sa inyo, at (B)kaniyang sarhan ang langit, upang huwag magkaroon ng ulan, at ang lupa'y huwag magbigay ng kaniyang bunga; at (C)kayo'y malipol na madali sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon.

Ipinayo ang pagaaral ng kautusan.

18 Kaya't (D)inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at (E)inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo.

Read full chapter